Monday, December 2, 2013

FILIPINO - 1st Quarter



FILIPINO Quarter Exam – 1st Quarter

Mga Kasanayan na may Kaugnayan sa Filipino
1.       Pakikinig
2.       Pagbasa
3.       Pagsulat
4.       Pagsasalita

Parabula – isang sangay ng panitikan na hinango sa bibliya
-          May nakapaloob na aral
Hal: “Alibughang Anak” (Prodigal Son)
“Si Job sa Bayan ng Ur”

Si Job sa Bayan ng Ur

1.       Job – pinakamatuwid na naglingkod sa Diyos sa lipi ni Abraham; salinlahi mula nunong Adam at Eba
-          Pinagpala ng Diyos dahil siya ay tapat at masunurin
-          Pinakamayaman sa Bayan ng Ur
-may maluwang na lupang inaanihan ng trigo
-500 asno, 500 baka, 1000 tupa
-may 7 anak na babae at 3 anak na lalaki
- may asawang mapagmahal at maganda
-     naghahandog sa dakilang Dambana tuwing anihan bilang pagtanaw ng utang na loob sa Diyos
2.       Pagsubok mula kay Satanas
            Inalis ang KAYAMANAN
-          Namatay ang mga hayop at pastol
-          Sinalakay ng mga Sabeo
Namatay ang kanyang mga ANAK
-          1 lang ang natira
NAGKASAKIT siya
-          Tinubuan ng sugat na nagnanaknak sa katawan
3.       Nabigo si Satanas
4.       Ang lahat ng ari-arian niya ay nagbalik (higit pa). Nagkaroon ulit sila ng mga anak na mas magaganda at makikisig

ARAL: Magtiwala sa Diyos

Ang Titser (Kabanata I)
-          Liwayway B. Arceo
-          Nobela ng Tauhan  - tauhan ang pokus ng nobela
-nakapaloob ang layunin ng tauhan

1.       Umuwi galing trabaho si Amelita; pagod na pagod sa dami ng trabaho ngunit hindi halata dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.
2.       Hindi kinibo ni Aling Rosa si Amelita dahil ayaw niya ang piniling karera ni Amelita. Ang mga titser daw ay mga alila ng nayon.
3.       Dumating si Mang Ambo. Tinanong niya kung bakit nag-away si Amelita at Aling Rosa at kung sasama ba si Amelita. Sinabi ni Aling Rosa ang dahilan ng kanyang galit kay Mang Ambo. Masisira daw ang linya ng kanilang pamilya sa pagkakaroon ng anak ng de titulo.
4.       Nais nilang ipakasal si Amelita kay Osmundo. Pero ayaw ni Amelita. Kinumpara ni Aling Rosa ang mga kapatid niya sa kanya:
Kuya Noberto – inhinyero – propesora
Dikong Jose – abogado – abogada
Ate Lourdes – parmasiyutika – doktor
Ditseng Felisa – doktora – doktor

Kung mapapangasawa daw niya si Osmundo, makakaahon daw siya sa kahirapan. Pero ayaw pa rin pumayag ni Amelita.
5.       Nabitawan ni Amelita ang fountain pen na hawak niya.

TEORYANG HUMANISMO
            Saloobin at damdamin ng tao ang paksa ng pananaw na ito

ARAL: Paninindigan at Pangarap sa buhay

Kung Mangarap Ka Nang Matagal
-          Goh Poh Seng
-          Salin ni : Ruth Elynia S. Mabanglo
-          Nobela/Asyano – Singapore

1.       Bumisita si Kwang Meng sa bahay ng  mag-asawang si Boon Teik at Me-I. Nandoon rin ang pinsan ni Me-I na si Anne.
2.       Nasa kusina ang 2 babae nang napansin ni Kwang Men gang ganda ng pagkaka-ayos ng bahay nila Boon Teik. Simple ngunit maayos. Flat ng Housing Development Board:
-          Light green
-          May ferns at cacti
-          May pinta ni Van Gogh at Cezanne na nakasabit sa dingding
-          Bookshelf, record-player
-          Kurtinang batik na green at gold katerno ang cushion covers
-          Coffee table , bowl ng kebana (Japanese Style na pag-aayos ng bulaklak)
3.       Nakwento ni Boon Teik na hindi malaki ang ginastos nila sa kanilang bahay.
-C.C.C. Junk Shop sa Newton Road; Sungei Road (junk shop) – Theives’ Market
4.       Boon Teik : “ Ang isang tahanan gaya ng buhay ay nababatay kung paano mo inaayos. Hindi natin ito ginagawa. Tayo ay nasa post-war generation, pasakay-sakay lang tayo, walang direksyon.”
“Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.”
Kwang Meng: “Kahit walang kahulugan ang trabaho mo?”
Book Teik: “Walang bagay na walang kahulugan. Depende ito sa pagtanaw mo. Ang tao ay isang social animal. Nakabilang tayo sa isang lipunan at kailangan magkaroon ng iba’t-ibang uri ng gawain para makakilos ang lipunan. Mahalaga ang isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.”
“Kumplikado ang bagong lipunan. May mga gawaing itinakda sa tao mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas.” (Theory of Human Function)
“Ang problema’y kung papaano ipauunawa sa tao na sa kabila ng pagiging mababa nila ay mahalaga ito sa maayos na pagkilos ng lipunan. Tungkulin ng pulitiko ang bigayan ng edukasyon ang mamamayan.”
5.       Kumain sila ng hapunan sa kusina
-lemon yellow ang pinta ng kusina
-may Golden Shower Orchids sa ibabaw ng mesa
-lutong nonya ang pagkain nila at lemak (kaning lasang buko)
6.       Si Anne ay galing sa angkan ng Pernakan, straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore
7.       Bumalik si Boon Teik at Kwang Meng sa sala. Nagdala sila ng 2 beer
8.       2 taon na kasal si Boon Teik at Me-I
-          Kaga-graduate lang ni Boon Teik sa T.T.C. at kae-enroll lang ni Me-I bilang estudyante
-          Nanirahan sila sa magulang ni Boon Teik pero wala silang privacy. Nag-apply sila makakuha ng sariling flat.
9.       Pumasok sa isip ni Kwang Meng si Hock Lai at Cecilia.
-hindi na Masaya ang 2 ngunit binaliwala nila ito
-nambabae si Hock Lai, nagsugal- hinayaan lang ni Cecilia
10.   Nagpatugtog ng plaka si Boon Teik
-Brahms symphony
-napansin ang bookshelf, at walang TV
-pinahiram siya ng libro
Crime and Punishment ni Dostoyevsky
To Have & To Have Not ni Hemingway
The Maneate of Malgudi ni Narayan (comedy)
11.   Matapos ang kwentuhan, hinatid ni Kwang Meng pauwi si Anne
-gusto makakita ng rain trees (maliwanag ang buwan)
- sumakay sila ng bus; mag-isa lang sila
-nakipagkasundo siyang makipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa Linggo ng umaga; isasama sa swimming si Anne sa Sabado ng hapon
-nakauwi siya sa bahay at madaling nakatulog

ARAL: Pilosopiya / Pananaw

5 Kasanayan sa Komunikasyon
1.       Pakikinig
2.       Pagsasalita
3.       Pagbasa
4.       Pagsulat
5.       Pagsenyas

5 Tungkulin ng Komunikasyon
1.       REFERENSYAL
-impormasyon
Gawi ng pananalita :
-pagtanong
-pagsagot
-pag-amin
-pagpabulaan
-pagbabalita
-pakikipanayam
-pagtalakay
-pagpapaliwanag
2.       DIREKSYUNAL
-utos o direksyon / pagsunod
Gawi ng pananalita:
-          Pag-utos
-          Paki-usap
-          Pagpayo
-          Pagmungkahi
-          Pagbababala
-          Pangangako
-          Pagsang-ayon
-          Pagtutol
3.       PERSONAL
-sariling damdamin / emosyon
Gawi ng pananalita:
-          Pagkatuwa
-          Pagkagalit
-          Pagka-inis
-          Pag-ibig
-          Pagkadismaya
-          Paninisi
-          Pagpuri
-          Paglibak
4.       INTERAKSYUNAL
-magalang na pananalita / pakikipagkapwa
Gawi ng pananalita:
-          Pagbati
-          Pamamaalam
-          Pasasalamat
-          Pagpapaumanhin
-          Pakikiramay
-          Pagpapakilala
-          Pagbibiro
-          Pagmamano
5.       IMAHINATIBO
-          Likahang-isip / imahinasyon
Gawi ng pananalita:
-          Panghuhula
-          Pangangarap
-          Paghiling
-          Pagdarasal
-          Pagkukwento
-          Pagtula
-          Pagsasadula
-          Pagsasatao

EL FILIBUSTERISMO

Kabanata 1       “Sa Kubyerta”
1.       Bapor Tabo – Naglalakbay sa Ilog Pasig papuntang Laguna (umaga ng Disyembre)
-          Nasa pamamahala ng Reverendos (Padre Sibyla, Padre Salvi, Padre Camorra, Padre Irene) at Ilustrisimos
-          Palilko-liko ang daan dahil sa lakas ng agos ng tubig
-          ILALIM: Indio, instik, mestiso
-          ITAAS: manlalakbay, prayle, opisyal, kawani ng pamahalaan
-          Kapitan: beterano, mukhang mabait
-          Don Custodio:  tulog
-          Padre Irene: kanonigo
-          Simoun: mayamang alahero, sanggunian ng Kapitan Heneral
2.       Dona Victorina -  Pilipinang nakahalo sa mga taga-Europeo at mga lalaki
-          Nagrereklamo sa bagal ng takbo ng barko (mababaw ang tubig kaya hindi pwedeng pabilisin ang takbo)
-          Tagapangasiwa ni Paulita Gomez, asawa ni Don Tiburcio
3.       Ben Zayb – manunulat
-          Nakipagtalo kay Padre Camorra (batang pari)
-          Inawat sila ni Padre Salvi (Pransiskanong payat)
4.       Padre Salvi : hindi matibay ang pagkagawa sa Puente del Capricho pero nananatili pa rin ito doon
5.       Dona Victorina: “walang maayos na lawa sa buong kapuluan”
6.       Simoun: “humukay ng matuwid na kanal hanggang labasan at gumawa ng bagong ilog para ito’y maging diretso para mapadali ang paglalakbay”
-          Don Custodio: “maraming bayan ang masisira”
-          Simoun: “ sapilitang paggawa ng mga mamamayan sa loob ng 4-6 buwan; magdadala silang sariling panghukay at pagkain...walang gastos” (=paggawa ng piramide sa Ehipto)
-          Don Custodio: “baka maging tulay ito ng himagsikan”
-          Simoun: “hindi na muling maghihimagsik ang mga mamamayan dahil sayang ang mga prayle”
7.       Nagipit sa pera ang Kapitan noon, nangutang siya kay Simoun. Bilang ganti, inanyayahan ng Kapitan si Simoun sa Pilipinas at naging sanggunian na siya ng Kapitan.
Don Custodio: “maiiwasan sana ang problema sa Ilog Pasig kung kumonsulta sila sa mas matagal nang naninirahan dito sa Pilipinas” (sinabi kay Ben Zayb)
8.       Don Custodio: “Ang lahat ng nakatira malapit sa Ilog ay dapat mag-alaga ng pato para makain ang mga suso na nagpapababaw ng tubig.”
-          Ayaw ni Dona Victorina dahil ayaw niya ng ballot

KABANATA 2     Sa Ilalim ng Kubyerta
1.       Nagu-usap sina:
Basilio: mag-aaral ng medisina
Isagani: hindi palakibo, nagtapos sa Ateneo, nobya ni Paulita Gomez
Kapitan Basilio – kinumusta si Kapitan Tiago
-Ayaw magpagamot ni Kapitan Tiago at inutusan nito si Basilio na pumunta sa San Diego para tignan ang mga paupahang bahay, pero baka gusto lang siyang pahithitin ng opyo
-Kinumusta ang Akademya ng Wikang Kastila. Nakahanda na ang lahat  (tinututulan ito ni Padre Sibyla). Hinihintay na lang ang permiso ni Kapitan Heneral (niregaluhan nila Padre Irene ng 2 kabayong kastanyo). Mag-aambag ng pera ang mga paaralan at magbibigay ng mga kagamitan si Macaraig.
*Nagtawanan ang 2 binata dahil hindi muna nila tinitignan ang mga kabutihang dulot ng isang bagay.
2.       Sinabi ni Isagani na sabi ng kanyang tiyo, mag-ingat daw siya sa pagpili ng mapapangasawa.
Paulita Gomez – nakabuntot lagi sa tiya niyang nakakaiinis
Isagani – pinapahanap sa kanya ni Dona Victorina si Don Tiburcio (nagtatago sa bahay ng tiyo ni Isagani)
-          Ayaw papuntahin ng kanyang tiyo sa itaas kasi di niya alam kung ano ang isasagot kapag tinanong ang tungkol kay Don Tiburcio
3.       Lumapit si Simoun sa kanila.
-          Kinumusta ang lalawigan ni Isagani at sinabing hindi pa siya nakakarating doon dahil walang bumibili ng mga alahas.
-          Ang kura-parokon ay isang paring Indio. (maralita ang bayan)
-          Inalok sila ng serbesa pero tumanggi sila.
-          Isagani: “Ang tubig, nakamamatay ng apoy, maaaring lumawak katulad ng dagat na handing magwasak at pumatay kapag ito’y pinainit.”
“Kapag ito ay pinainit, magiging singaw ito at hindi papaya na makulong sa isang lalagyan. Kapag pinagsama-sama ang maliit na tubig ng ilog, lalakas ang agos at maaaring sumira ng maunlad na bayan.”
-          Ayaw ni Isagani si Simoun kaya uminit ang ulo nito. Pinayuhan siya ni Basilio na huwag ipakita ang inis dahil tagapayo siya ng Kapitan Heneral. Nalaman niya it okay Padre Irene (naninira kay Simoun kapag nakatalikod ito)
4.       Tinawag ni Padre Florentino (tiyo ni Isagani, paring Pilipino) si Isagani
-          Pinipilit siyang sumama sa itaas ng kubyerta para makihalubilo
-          -nasabi ni Isagani na nagdadahilan lang siya kasi ayaw niyang maka-usap si Dona Victorina
Padre Florentino: anak-mayaman, pinilit lang magpari ng nanay niya
: 25 yrs old – unang misa (ipinamana ng kanyang nana yang lahat  ng ari-arian dahil sa sobrang tuwa)
: nagpakasal ang kanyang nobya bago ang kanyang unang misa
: 1872 – ginamit niya ang lupang ipinamana sa kanya ng kanyang nanay. Dito niya nakasama si Isagani (anak ng pinsang-babae).

KABANATA 3  Mga Alamat
1.       Umakyat si Padre Florentino sa itaas ng kubyerta. Pumunta rin si Simoun. Sinabihan siya ni Don Custodio na hindi niya nakita ang magandang tanawin ng lugar. Pero wala naman daw itong kwenta kung wala itong alamat, sabi ni Simoun.
2.       Kinwento ng Kapitan ang ...

Alamat ng Malapad na Bato:
Bato – banal ng mga katutubo at pinamamahayan ng espiritu
-          Ginawang tirahan ng mga tulisan kaya hindi na takot ang mga taosa espiritu pero takot sila sa mga tulisan.

Alamat ni Dona Geronima: (pinakwento kay Padre Florentino)
-          May kasintahan si Dona Geronima at magpapakasal na sila pagkatapos ng pag-aaral.
-          Hindi siya binalikan ng nobyo at nalaman niyang arsobispo nap ala ito sa Maynila.
-          Pinilit niya itong magpakasal pero itinira siya sa isang kweba malapit sa ilog na may mga baging.
(humanga si Ben Zayb, nainggit si Dona Victorina)

3.       Simoun: (kay Padre Salvi) “Bakit hindi nalang sa beateryo gaya ng Sta. Clara itinira si Dona Geronima kasi hindi mabuting Gawain ng isang arsobispo ang pagpain sa kanya sa panganib?”

Alamat ni San Nicolas
          San Nicolas – nagligtas sa isang intsik na muntik nang kainin ng buwaya sa ilog
-          Habang namamangka sa ilog, ang intsik ay nakakita ng demonyo na nag-anyong buwaya.
-          Naging bato ang buwaya nang magdasal kay San Nicolas ang intsik
-          Ang pananampalataya ng Instik kay San Nicolas ay isa nang kalamangan ng Katolosismo
4.        Nakita ni Ben Zayb ang lawa, tinanong niya kung saan napatay si Crisostomo Ibarra. Tinuro ng Kapitan kung saan. Sabi ni Padre Sibyla, kasama niya ang angkay ng kanyang ama. (13 taon na patay si Ibarra)
5.       Namutla si Simoun at inakala nilang nahilo ito sa biyahe.

TALASALITAAN
1.       timonel – tagagabay
2.       maglalagos – magdadaan
3.       taros – walang sawa
4.       namumutawi – lumalabas
5.       medikong Lucas – albularyo noong panahon ng Kastila
6.       panukala – maungkahi
7.       alintana – pansin
8.       tututulan – tatanggihan
9.       mag-aambag – magbibigay abuloy
10.   paurong – paatras
11.   sagabal – hadlang
12.   namula – napahiya
13.   pinagpupugayan – ibinalik ang pagbati
14.   umiral – namayani
15.   sumugat – nakasakit
16.   makihalubilo – makisama
17.   napalamutian – nagagayakan
18.   ipain – iumang
19.   kalamangan – kalabisan
20.   kaaya-aya – kalugod-lugod
21.   tinugis - hinabol  
BALANGKAS NG TESIS

I. Suliranin at ang kaligiran nito
A. Panimula
B. Paglalahad nang suliranin
1. Pangkalahatang Suliranin
2. Tiyak na suiliranin
C. Batayang konseptual
D. Saklaw at Delimitasyon
E. Kahalagahan nang pag aaral
F. Katawagan at katuturan ng pag-aaral

II. Kaugnay na literatura at pag-aaral

III. Metodolohiya

IV. Paglalahad nang datos

V. Lagom, konklusyon at rekomendasyon

VI. Sanggunian

VII. Appendiks
A. Liham ng Pahintulot
B. Time table

No comments:

Post a Comment